the very ecstasy of love
Hi! I'm Z h i a K a t e (shi-yuh-keyt). Awesome since 1994. An AB International Studies student at Far Eastern University. In a four-year relationship. A self-proclaimed blogger. Extremely nice to everyone. Hi reader! ü Hihi.

twirr :
  • Twitter feed loading
C L I C K A B L E - T A G S
December 19th
4:19 AM
Happy 3 years & 7 months, Loves ko. ♡ 
Alam ko napakaraming hindi magagandang pangyayari sa relasyon natin, hindi lang nitong nakaraang buwan. Napakabigat, yung tipong kung hindi lang ako ito at kung hindi lang ikaw yan, wala nang tayo. Wala na akong babatiin pa sa tuwing darating ang araw na ‘to. Masakit yung wala man lang tayong mapagsabihan, wala kasing gustong maniwala na hindi tayo okay. Dahil ang nakikita nila, yung masayang tayo, yung perpektong relasyon na para bang hindi nag-aaway o kung mag-away man, agad-agad ding nagkakabati. Yung tipong kahit malayo tayo hindi natin maramdaman na malayo tayo sa isa’t isa. Pero hindi talaga yun yon dahil ang totoo, ang daming pagkakamali nitong nakaraan, ang daming pangyayari na hindi na maitama pero kailangan kong ibaon sa limot para maayos tayo. Ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong chances na ibinigay dahil ayaw ko maging unfair sa’yo. Ang dami kong binigay na pagkakataon para patunayan ang sarili mo sa akin. Ang dami dami.  At salamat dahil hanggang huli pinatunayan mong AKO pa rin ang mahal mo, na AKO lang ang mahal mo. 
Salamat dahil hindi mo sinayang yung mga pagkakataong yun. Mahal na mahal kita at tulad nga nang sinabi mo, ako lang ang may alam ng totoong ikaw. At ang IKAW na alam ko ay yung lalaking hindi kayang manloko ng babae dahil may kapatid ka din na babae. Yung hindi kayang magloko sa ganitong uri ng relasyon dahil papa mo ang idolo mo. 
Naniniwala akong SPECIAL tayo daddy dahil mga special na tao lang ang may kaya ng ganitong uri ng relasyon. Hindi tayo nakakapagdate agad-agad, hindi nakakakain sa labas na magkasama kung kailan gusto, hindi nakakapanood ng sine, walang exchange gifts, hanggang text lang yung kiss, hanggang chat lang yung hug. Pero ni minsan, hindi ako naghanap ng ibang taong pupuno ng mga bagay na yon, dahil para sa akin, hindi mo yun pagkukulang kundi isang opportunity para sa araw ng pagkikita natin ulit - Ang date natin, out of town. Ang gifts mo, bongga. Ang kiss and hug mala pbb teens. Ang sine, movie marathon dahil magkatabi naman tayong matutulog. Kuntento ako sayo. Hihintayin kita at kapag magkasama na ulit tayo, iinggitin ulit natin ang buong mundo.  
Mahal na mahal kita. Kapit lang daddy, dahil habang tumatagal, mas bumibigat ang pagsubok. At habang tumatagal papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal at kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan. Magsisimula ulit tayo. Kakalimutan ko ang dapat kalimutan. Na sa’yo ang tiwala ko, hindi kailanman yan nawala sayo. Ikaw lang ang gusto ko, ang mahal ko. Sabi ko nga, ako na ang makakasama mo sa pagtanda mo, iingatan kita, aalagaan kita habang-buhay. Happy 43 Months My One and Only. xoxo. MAHAL NA MAHAL KITA.

Happy 3 years & 7 months, Loves ko. ♡ 

Alam ko napakaraming hindi magagandang pangyayari sa relasyon natin, hindi lang nitong nakaraang buwan. Napakabigat, yung tipong kung hindi lang ako ito at kung hindi lang ikaw yan, wala nang tayo. Wala na akong babatiin pa sa tuwing darating ang araw na ‘to. Masakit yung wala man lang tayong mapagsabihan, wala kasing gustong maniwala na hindi tayo okay. Dahil ang nakikita nila, yung masayang tayo, yung perpektong relasyon na para bang hindi nag-aaway o kung mag-away man, agad-agad ding nagkakabati. Yung tipong kahit malayo tayo hindi natin maramdaman na malayo tayo sa isa’t isa. Pero hindi talaga yun yon dahil ang totoo, ang daming pagkakamali nitong nakaraan, ang daming pangyayari na hindi na maitama pero kailangan kong ibaon sa limot para maayos tayo. Ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong chances na ibinigay dahil ayaw ko maging unfair sa’yo. Ang dami kong binigay na pagkakataon para patunayan ang sarili mo sa akin. Ang dami dami.  At salamat dahil hanggang huli pinatunayan mong AKO pa rin ang mahal mo, na AKO lang ang mahal mo

Salamat dahil hindi mo sinayang yung mga pagkakataong yun. Mahal na mahal kita at tulad nga nang sinabi mo, ako lang ang may alam ng totoong ikaw. At ang IKAW na alam ko ay yung lalaking hindi kayang manloko ng babae dahil may kapatid ka din na babae. Yung hindi kayang magloko sa ganitong uri ng relasyon dahil papa mo ang idolo mo

Naniniwala akong SPECIAL tayo daddy dahil mga special na tao lang ang may kaya ng ganitong uri ng relasyon. Hindi tayo nakakapagdate agad-agad, hindi nakakakain sa labas na magkasama kung kailan gusto, hindi nakakapanood ng sine, walang exchange gifts, hanggang text lang yung kiss, hanggang chat lang yung hug. Pero ni minsan, hindi ako naghanap ng ibang taong pupuno ng mga bagay na yon, dahil para sa akin, hindi mo yun pagkukulang kundi isang opportunity para sa araw ng pagkikita natin ulit - Ang date natin, out of town. Ang gifts mo, bongga. Ang kiss and hug mala pbb teens. Ang sine, movie marathon dahil magkatabi naman tayong matutulogKuntento ako sayo. Hihintayin kita at kapag magkasama na ulit tayo, iinggitin ulit natin ang buong mundo.  

Mahal na mahal kita. Kapit lang daddy, dahil habang tumatagal, mas bumibigat ang pagsubok. At habang tumatagal papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal at kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan. Magsisimula ulit tayo. Kakalimutan ko ang dapat kalimutan. Na sa’yo ang tiwala ko, hindi kailanman yan nawala sayo. Ikaw lang ang gusto ko, ang mahal ko. Sabi ko nga, ako na ang makakasama mo sa pagtanda mo, iingatan kita, aalagaan kita habang-buhay. Happy 43 Months My One and Only. xoxo. MAHAL NA MAHAL KITA.

June 3rd
7:45 AM

BAKASYONBitin eh! )

  • Maraming binalak pinuntahan.
  • Maraming pinag-ipunan.
  • Maraming pinlano pero isa lang ang natuloy.
  • Marami kami pero tatlo lang ang tumuloy.

Ang Bakasyon na para sa akin nakakabitin sa kadahilanang ngayon ko lang talaga naramdaman. Ang gusto kong bakasyon na mga kaibigan ko lang ang nagparamdam. Hindi na ako umasa sa mga pinlanong pag-alis ng mga kapamilya ko sapagkat alam ko namang hindi lahat tuloy. Busy sila sa mga trabaho, busy sa mga anak. Madaming mga anak kaya nanghihinayang sa gastos. Madaming pinlano pero hanggang doon nalang. Hanggang plano ang lahat.

Naramdaman siguro ng mama ko na malungkot at boring ang bakasyon ko kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pang bigyan ako ng pera nang binalak naming pumunta sa Batangas kasama ang mga matatalik kong kaibigan. Matagal ko na kasing niyayaya ang mama ko na mag-out-of-town para naman marelax siya dahil sobrang work-a-holic niya pero mas pinili pa din talaga niyang magtrabaho at umattend ng kung anu-anong seminar kaysa ilibre naman ang sarili niya. Nakakalungkot dahil alam kong mas masaya kung sa mga ganung pagkakataon, kasama ko naman ang mama ko.

Mabuti na lang at nandiyan si Claire at Emz na palaging GO! sa mga adventures na tulad nito. Dapat talaga 7/8 kami na pupunta ng Batangas pero habang papalapit na ng papalapit ang araw na naitakda sa pag-alis namin ay kaming tatlo nalang talaga ang nanaig at determinadong pakitaan naman ang aming sarili ng magandang tanawin tulad nalang ng mga makikita sa Batangas.

Nakakatuwa, kasi naging masaya naman kami kahit kami lang. Nakakapagod ang biyahe at napakabigat din sa bulsa ng gastos. Hindi kami ganoon na natuwa sa nadatnan namin ngunit huli na ang lahat para hindi pa ito ituloy at panindigan. Totoo! Mejo naboring kami sa resort na pinuntahan namin. Pero sino pa ba ang aasahan namin para pasayahin ang aming sarili? Siyempre kami-kami nalang, hindi ba?

Hindi man talaga kami nag-enjoy sa paglangoy dahil sa sobrang init na tipong kahit sampung patong pa ang sunblock ay hindi tatalab. Napakahapdi sa balat ng sikat ng araw gano’n na din ang maalat na tubig ng dagat. Nanatili nalang kami sa pampang kung saan pinprotektahan namin ang aming mga balat sa sa anino ng isang bangka. Naghilod ng buhangin na para sa’kin ay nakakakinis ng balat.

Walang masaya sa paglangoy lalo’t ang pangit ng oras ng dating namin at ilang oras nalang din talaga and pananatili namin doon para sa daytime swimming kaya naman nagpasya kaming sa shower nalang namin sulitin ang binayad namin. Haha! At doon na nagsimula ang isang napakasayang araw ng araw na ‘yon na dala-dala na namin hanggang sa pag-uwi.

May 23rd
1:37 AM
Via
There is nothing on this earth to be prized more than a truefriendship.
Siguro namimiss mo na ang mga araw na may pasok tayo no? Hayaan mo Emz, saglit nalang pasukan. Ilang linggong kembutan nalang at ikaw na muli ang makakasama ko araw-araw at palaging kukumpleto ng araw ko. Naks. Haha! Ang ganda lang natin diyan. Diyan lang ha. Jk.

There is nothing on this earth to be prized more than a truefriendship.

Siguro namimiss mo na ang mga araw na may pasok tayo no? Hayaan mo Emz, saglit nalang pasukan. Ilang linggong kembutan nalang at ikaw na muli ang makakasama ko araw-araw at palaging kukumpleto ng araw ko. Naks. Haha! Ang ganda lang natin diyan. Diyan lang ha. Jk.

May 14th
3:51 AM

‘Til we meet again, Tarlac.

Ang sarap sa pakiramdam na nakita kong muli ang mga kapamilya ko sa Father side. Sa loob ng halos limang taon na hindi kami nagkita-kita man lang, naramdaman ko pa din yung pagmamahal nila, pagmamahal nila na sumasalamin na lamang sa pagmamahal ng papa ko na wala na sa mundong ‘to.

Hindi sila makapaniwala na ako na ito ngayon, ang dating baby nila na binubuhat noon, mas malaki na sakanila ngayon, iba na ang itsura pero pinipilit pa ding kamukha ko sila. Nakakatuwa! Lalo na’t kapag kinkwento ng mama ko ang buhay namin ngayon dito sa Metro Manila. Maganda naman, masagana na din kahit wala na ang papa ko, hindi ako pinabayaan ng mama ko at kahit na mag-isa lang siya ibinibigay niya ang mga pangangailangan ko.

Ipagpatawad niyo ang pansamantala kong pagkawala dito sa tumblr, sa mga kaibigan ko dito na hindi ko pansamantalang nakausap at nareplyan ang mga messages. Namiss ko dito, Namiss ko ito. Wala man lang kasing malapit na Internet Shop o Wifi Spot sa probinsya sapagkat masasabi kong malayo pa sa kabihasnan doon kahit sabi nila parte na daw ‘yon ng Siyudad ng Tarlac. (parang hindi) oo! at mapapatunayan ko yan sa mga susunod pang litratong ibabahagi ko dito.

3:31 AM
I love being called pretty, but I’ll never believe it. I’m not always right, but hate admitting I’m wrong. I’m always smiling, but it’s not always real. I can be read like an open book but hide so much. I work hard at things, but don’t always get what I deserve. I’m just a girl. <33

I love being called pretty, but I’ll never believe it. I’m not always right, but hate admitting I’m wrong. I’m always smiling, but it’s not always real. I can be read like an open book but hide so much. I work hard at things, but don’t always get what I deserve. I’m just a girl. <33

April 20th
5:49 AM
April 18th
8:43 AM

Dapat kasi gagawa ako ng Video para sakanya, kaso kulang na talaga yung oras. Palagi naman kasi akong sinusumpong ng katamaran ko. Sabi ko nga kahit wag na Video, Gif nalang. Haha! Kaso, hindi ako marunong! Kaya tanong ko po sainyo, Paano ba gumawa ng Gif? Paturo naman pows. Adyedye.

April 15th
8:09 AM
Via

Sino bang babae ang gustong malayo sa mahal niya? Wala. Noon, Akala ko, Nagmahal ako para may makasama ako palagi, may hahawak ng kamay ko, may pupunas ng luha ko, may hahalik kapag masakit na ako magsalita. Pero hindi lang pala ganun kadali magmahal, lalo na sa mga katulad kong nasa sitwasyon na dati magkasama. Ngayon, magkalayo at naghihintay na dumating ulit ang araw para magkasamang muli. Yung pinasok kong relasyon tila hindi tumugma sa Expectations ko noong una, pero ganunman ang nangyari masaya ako, Dahil dito ako natuto magtiwala, maniwala sa sarili, hawakan ang sarili kong mga kamay, punasan ang sarili kong luha at pag-iisip ng mabuti bago magsalita dahil hindi ganun kadali ayusin ang mabubuong Away o Gulo kapag malayo kayo ng taong mahal mo.

5:11 AM
A LATE CELEBRATION OF BEA&#8217;S BIRTHDAY - LAST PART. LOL.
Ang taray ni Bea. Ang daming Celebration na ginanap! Akala mo debutante e. Di nakuntento sa isa, gusto ata niya buong April nagcecelebrate kami.
Swimming - Eto lang naman talaga dapat ang gagawin namin, wala na yung nakaraang araw na pagkain namin sa labas at paghahanap namin ng pizza house. Kaso, sumpa na talaga sa amin na ang lahat nang pagplaplano, pagdating ng araw, udlot. Kaya ayun NGANGA talaga. Pero, hindi kami basta ganun nalang papayag! Kailangan na naming labanan ang sumpang &#8216;yon kaya naman itinuloy na talaga namin ang swimming hindi nga lang 11 kundi kahapon, April 14.
Kahapon, pumunta ako sa bahay nila Emz ng alas kwatro (hapon kasi night swimming). Doon naman talaga lagi ang meeting place naming magbabarkada. Pagdating ko doon, hindi pa pala ganun kahanda ang lahat, hindi pa yung tipong papara nalang kami ng sasakyan kasi nga naman pin-problema pa nila ang tubig na iinumin namin doon sa Resort. Ako naman parang walang pakialam at wala man lang maitulong kasi masama na talaga ang pakiramdam ko. Gabi pa bago ng araw na &#8216;yon, may lagnat na ako. Okay, Pagkatapos na maihanda ang lahat umalis na kami. At napagpasyahan na sa Commonwealth Market na kami magkikita kasi nandoon ang mga masasakyan papuntang Montalban, Rizal. Bente pesos nga pala ang pamasahe mula doon hanggang sa bababaan namin. At bente pesos din ang pamasahe sa tricycle mula sa binabaan namin hanggang sa Resort (Villa Virginia). Nakakatuwa lang yung tricycle driver na nasakyan namin, matanda na siya pero napakabibo at talaga namang damang-dama ko kung paano niya kami i-welcome sa lugar nila. Ako lang ang nakadama kasi ako lang naman ang nakakarinig ng mga sinasabi niya. Akalain mong pumayag pa siyang ihinto talaga kami sa mga tindahan para bumili ng ____ pero sa Mercury nalang kami bumili, actually si Bea at Briane pala ang bumili non kasi kami ni Ayra bumili lang ng chocolates at ng chuckie.
Grabe din! Napakalayo na pala sa kabihasnan ng Resort na &#8216;yon. Nasa paa na siya ng bundok at nasa tabi ng ilog. Biruin niyo, May araw pa nang umalis kami kanila Emz at pagdating doon, Dalawang oras nalang ang nakatakda sa amin ni Ayrah para mag-enjoy kasi usapan namin na uuwi kami ng 9pm. Di na kami sasama sakanila na magpapaumaga.
Pagdating sa Resort, mejo nagkakailangan pa. Hindi din naman kasi namin kilala yung mga kasama nila. Ako, si Ayerah, si Nhaida at si Ivan pa nga lang ang nagswimming kagabi kasi mukhang enjoy na enjoy sila sa mga kasama nila. Ni hindi na nga nila kami pinapansin at mukhang ayaw pa kaming sabayan sa pagswiswimming knowing na alas-9 nga kami uuwi. Kaya eto namang si Ayerah, mejo nagtatampo na. Ako, hindi naman, enjoy lang. Masaya na din ako para sa mga kaibigan ko. Kasi alam ko naman na kung kasama ko lang din yung boyfriend ko, malamang ni isa din sa kanila wala akong papansinin.
Malapit na kaming umuwi ni Ayrah at ni Ivan. Buti itong si Bea naisip na din magswimming at naisip na humiwalay muna sa mahal niya. Okay, si Emz nalang talaga ang di pa nakakaramdam ng ligamgam ng tubig sa pool. Talagang ayaw muna humiwalay sa &#8220;buhay daw niya&#8221;. Pero nung bandang 9:10 na, naisipan nadin niya magswimming. Kaya 20 mins. lang din namin nakasama si Emz sa pool kasi paahon-ahon naman siya. 9:30, umahon na din kami ni Ayrah at ni Ivan, sapat na yun! Na-enjoy naman na namin yung slide ng resort. At sa sobrang saya namin sa pag-slide may nagkainteres pa sa amin magpakilalang magkakaibigan.
Nagshoshower palang ako ramdam ko nanaman yung lagnat ko, yung init ng katawan ko at yung sakit ng ulo ko. Hanggang sa makauwi na kaming tatlo: Ayrah, Ivan at Ako. Para nga kaming magkakagalit sa jeep, wala kasing nag-uusap. Mas pinili ko nalang din na hindi kumibo kaysa naman magreklamo pero nang makababa na si Ivan at si Ayrah nalang ang kasama ko, paulit-ulit ko na talagang sinasabi sakanya yung sama ng pakiramdam ko. Di ko na talaga kasi kaya at parang konting pagod nalang talaga, babagsak na ako. Awa ng Diyos nakarating naman ako ng maayos sa bahay, nag-arkila nalang din ako ng tricycle para naman makahiga ako sa loob. Napakalayo talaga ng lugar na &#8216;yon.

Nag-enjoy talaga ako at nagpapasalamat din ako sa mga bago kong kakilala, mga bagong kaibigan. Sa uulitin. Maraming Salamat kay Bea at sa F.A.T.S kahit na yung iba sa inyo, dedma lang sa amin ni Ayrah. Hehe. Joke! Naiintindihan ko kayo. Pero sana pag kasama ko naman na din ang boyfriend ko, maintindihan niyo din ako.

A LATE CELEBRATION OF BEA’S BIRTHDAY - LAST PART. LOL.

Ang taray ni Bea. Ang daming Celebration na ginanap! Akala mo debutante e. Di nakuntento sa isa, gusto ata niya buong April nagcecelebrate kami.

Swimming - Eto lang naman talaga dapat ang gagawin namin, wala na yung nakaraang araw na pagkain namin sa labas at paghahanap namin ng pizza house. Kaso, sumpa na talaga sa amin na ang lahat nang pagplaplano, pagdating ng araw, udlot. Kaya ayun NGANGA talaga. Pero, hindi kami basta ganun nalang papayag! Kailangan na naming labanan ang sumpang ‘yon kaya naman itinuloy na talaga namin ang swimming hindi nga lang 11 kundi kahapon, April 14.

Kahapon, pumunta ako sa bahay nila Emz ng alas kwatro (hapon kasi night swimming). Doon naman talaga lagi ang meeting place naming magbabarkada. Pagdating ko doon, hindi pa pala ganun kahanda ang lahat, hindi pa yung tipong papara nalang kami ng sasakyan kasi nga naman pin-problema pa nila ang tubig na iinumin namin doon sa Resort. Ako naman parang walang pakialam at wala man lang maitulong kasi masama na talaga ang pakiramdam ko. Gabi pa bago ng araw na ‘yon, may lagnat na ako. Okay, Pagkatapos na maihanda ang lahat umalis na kami. At napagpasyahan na sa Commonwealth Market na kami magkikita kasi nandoon ang mga masasakyan papuntang Montalban, Rizal. Bente pesos nga pala ang pamasahe mula doon hanggang sa bababaan namin. At bente pesos din ang pamasahe sa tricycle mula sa binabaan namin hanggang sa Resort (Villa Virginia). Nakakatuwa lang yung tricycle driver na nasakyan namin, matanda na siya pero napakabibo at talaga namang damang-dama ko kung paano niya kami i-welcome sa lugar nila. Ako lang ang nakadama kasi ako lang naman ang nakakarinig ng mga sinasabi niya. Akalain mong pumayag pa siyang ihinto talaga kami sa mga tindahan para bumili ng ____ pero sa Mercury nalang kami bumili, actually si Bea at Briane pala ang bumili non kasi kami ni Ayra bumili lang ng chocolates at ng chuckie.

Grabe din! Napakalayo na pala sa kabihasnan ng Resort na ‘yon. Nasa paa na siya ng bundok at nasa tabi ng ilog. Biruin niyo, May araw pa nang umalis kami kanila Emz at pagdating doon, Dalawang oras nalang ang nakatakda sa amin ni Ayrah para mag-enjoy kasi usapan namin na uuwi kami ng 9pm. Di na kami sasama sakanila na magpapaumaga.

Pagdating sa Resort, mejo nagkakailangan pa. Hindi din naman kasi namin kilala yung mga kasama nila. Ako, si Ayerah, si Nhaida at si Ivan pa nga lang ang nagswimming kagabi kasi mukhang enjoy na enjoy sila sa mga kasama nila. Ni hindi na nga nila kami pinapansin at mukhang ayaw pa kaming sabayan sa pagswiswimming knowing na alas-9 nga kami uuwi. Kaya eto namang si Ayerah, mejo nagtatampo na. Ako, hindi naman, enjoy lang. Masaya na din ako para sa mga kaibigan ko. Kasi alam ko naman na kung kasama ko lang din yung boyfriend ko, malamang ni isa din sa kanila wala akong papansinin.

Malapit na kaming umuwi ni Ayrah at ni Ivan. Buti itong si Bea naisip na din magswimming at naisip na humiwalay muna sa mahal niya. Okay, si Emz nalang talaga ang di pa nakakaramdam ng ligamgam ng tubig sa pool. Talagang ayaw muna humiwalay sa “buhay daw niya”. Pero nung bandang 9:10 na, naisipan nadin niya magswimming. Kaya 20 mins. lang din namin nakasama si Emz sa pool kasi paahon-ahon naman siya. 9:30, umahon na din kami ni Ayrah at ni Ivan, sapat na yun! Na-enjoy naman na namin yung slide ng resort. At sa sobrang saya namin sa pag-slide may nagkainteres pa sa amin magpakilalang magkakaibigan.

Nagshoshower palang ako ramdam ko nanaman yung lagnat ko, yung init ng katawan ko at yung sakit ng ulo ko. Hanggang sa makauwi na kaming tatlo: Ayrah, Ivan at Ako. Para nga kaming magkakagalit sa jeep, wala kasing nag-uusap. Mas pinili ko nalang din na hindi kumibo kaysa naman magreklamo pero nang makababa na si Ivan at si Ayrah nalang ang kasama ko, paulit-ulit ko na talagang sinasabi sakanya yung sama ng pakiramdam ko. Di ko na talaga kasi kaya at parang konting pagod nalang talaga, babagsak na ako. Awa ng Diyos nakarating naman ako ng maayos sa bahay, nag-arkila nalang din ako ng tricycle para naman makahiga ako sa loob. Napakalayo talaga ng lugar na ‘yon.

Nag-enjoy talaga ako at nagpapasalamat din ako sa mga bago kong kakilala, mga bagong kaibigan. Sa uulitin. Maraming Salamat kay Bea at sa F.A.T.S kahit na yung iba sa inyo, dedma lang sa amin ni Ayrah. Hehe. Joke! Naiintindihan ko kayo. Pero sana pag kasama ko naman na din ang boyfriend ko, maintindihan niyo din ako.

April 10th
10:10 AM

Sabi ko sa sarili ko noong unang beses siyang umalis, kailangan pag balik niya, magpipicture kami ng madami. Madaming-madami. Kasi sa loob ng 15 months noon na di kami nagkasama, tanging yung mga highschool pictures ko lang na kasama siya ang mga pictures na meron ako. Pero noong December na bumalik siya dito sa Pinas. Mas nauna yung excitement na makasama lang siya, makausap. Yung tipong ganun. kahit wag na magpicture. Naisip ko noon na sapat na yung kami nalang ang may alam ng mga bagay na ginawa namin, na napuntahan namin. Pero di pala, nagbabago ulit isip ko ngayon at nagsisisi na di kami nakapagpicture ng madami nung nagkasama kami ulit. Gusto ko lang kasi yung may matititigan ako pag naaalala ko siya. Di bale, pagbalik niya ulit. Kailangan maka-isanlibong litrato kami sa isang araw. Para di ako mauubusan ng pwedeng i-share dito sa tumblr, sa fb at twitter. At para may pwede akong pagsamantalahan kapag naaalala ko siya. 

6:54 AM

EVERYONE NEEDS FRIENDS LIKE THEM.

Sa panahon ngayon, madali maghanap ng kaibigan pero mahirap makatagpo ng totoo. Kaya naman itinuturing ko ang sarili ko na napakaswerte dahil meron akong katulad nila sa buhay ko.

Kahapon, biglang nagyaya si Claire na lumabas. At siyempre, kung sino ang nagyaya dapat sagot niya ang lahat. Haha. Joke. Late Celebration kasi ng Birthday niya ‘yon (Happy 18th Birthday, Clara) Seryoso na. Okay, napag-usapan na 2pm kami magkikita-kita. Oras lang ang sinabi nila wala pang lugar. Alanganin na ako sa Alas dos dahil 11 na ako nagising at nagkataon pang sinipag ako kaya naman naglilinis ako ng aking kwarto no’ng mga oras na nagtext sila na may pupuntahan pala kami.

Naisip ko na agad na hindi naman sila dadating sa tamang oras. Kaya naman nagpalate ako ng 30 minutes. So, mga 3:00 nasa Trinoma ako. Naisip ko na doon dumiretso dahil doon naman kami madalas magkita-kita. Doon sa MCDO. Pero nagtataka ako dahil wala ni isa akong nadatnan doon. Siyempre, ako relax lang para ko na kasing bahay yung Trinoma. Parelax-relax talaga pero pagtingin ko bigla sa Orasan ko 4pm na. At naiinis na talaga ako kasi Alas Dos naging Alas Kwatro! Lagi nalang ganun. Wala ding nagtetext sa akin kaya naman napilitan akong magpaload doon. Dumiretso ako sa Concierge, napakamalas kasi wala na silang Autoload. Globe Prepaid Card nalang kaya naman napilitan na talaga ako bilhin ‘yon para macontact sila. Ayaw ko pa nga siyempre, hindi naman ako mahilig magtext. Aanhin ko ang 100? At Nakakainis pa, kasi walang nagrereply. Cannot be reach din silang lahat. So No Choice ako, maghihintay pa ako ng konti. Ayaw ko naman makipagsapalarang pumunta sa Sm North tapos ‘yun pala nasa Trinoma lang din sila. At Eto na nga! Nagreply na si Bea (Naka-maong top sa picture)

  • Bea: Be, dito kami sm.
  • Ako: Sm? Tang-ina. Inugat ako sa Trinoma. Saan naman sa Sm? Ang lawak niyan!
  • Bea: Daliaan niyo be, mamatay na kami.
  • Ako: Wow ha. Ang daming arte, di pa sabihin kung saan.
  • Bea: Be, Sm foodcourt. Sa may quail egg.

Pagpasensyahan niyo sa Bea, may pagkatanga talaga siya sumagot. So, pumunta na agad ako sa Sm. At Yung mga mukha nilang Tatlo (Emz, Trina at Bea) Hindi na maipinta. Pare-pareho din kasi kaming gutom, walang almusalan e! Akala ko kumpleto na at ako nalang ang hinihintay pero hindi pala. May dalawa pang kulang.

Habang naghihintay kami, may isang mapangahas na humingi ng number ni Emz (Yung nakastripe red&white) - Okay, Ipinagpatawad namin ang kakapalan ng mukha ni kuya na manghingi ng number at isusulat pa talaga sa braso niya. Pero maya-maya meron nanaman! Kinuha naman yung number ni Trina (Naka-floral dress, curly hair) okay, sige! ang daming epal! at mamaya, Number na naming lahat! Ang kapal talaga! Pero siyempre ang binigay namin, wrong number. Tandaan: Ang tunay na gwapo, hindi nanghihingi ng number sa ganong paraan.

After 15 minutes, andiyan na din sila Audrey (Polka-dots top) at Claire (Floral dress) kaya pala sila natagalan dahil nasira ang slippers ni Claire kaya bumili sila ng bago at pagkabili niya, yung bago nasira din agad kaya bumili ulit siya! Nang maging okay na lahat at maikwento ang dahilan kung bakit late. Eto na ang mga ginawa namin:

Bumalik ulit ng Trinoma - Kumain sa Lamesa Grill. - Nagpicture-an saglit, mga limang shots. - Naghihimutok si Bea sa sakit ng paa. - Gusto na bumili ni Bea ng slippers sa halagang 60 pesos. Hello! Trinoma ‘to te! - Nagbakasakali sa Banana Peel (walang 60php) - Pumunta ng Landmark, walang 60. 80php lang meron. - Nakabili na ng tsinelas. - Nag-CR. Sabi ko papicture kami. - Nagpapicture kami. - Nagpaalam na si Bea. R.I.P BEA. -  Pumunta sa 3rd floor ng Trinoma, naghahanap ng maiinuman. Chill lang! - Ayaw nila sa Trinoma gusto nila sa Sm. - Nagmaibataya kami - SM BA o TRINOMA? - Di pa nakuntento, nagbato-batopiks pa. - Natalo kami kaya sa SM. - May tama na si Audrey. - Lasing na pala si Audrey. - Bumalik ng Trinoma, bumili ng krispy kreme. - Tumambay sa Stabucks, naghot choco. - Kwentuhan. - Uwian na! - Nagtaxi hanggang Cityhall, Si Audrey mungtanga sa taxi.

Odiba? Lahat ng klase ng saya, ng hirap, ng inis, ng lungkot sa isang araw, sa kanila ko nararanasan. Sila yung pwede sa Seyosohang usapan, pwede din sa gaguhan. Sila yung mga taong kahit ano pa i-confess mo maiintindihan ka nila. At sa tuwing matatapos yung araw ng pagsasama-sama namin lagi kong hinihiling na sana magkakapitbahay nalang kami para lagi kaming magkakasama. Mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to.

April 7th
7:31 AM

Gustung-gusto ko na talaga magswimming ngayong summer, gusto ko din sa beach. Ayaw ko na sa pool. Nakakainis. Bakasyon na pero tengga pa din ako dito sa bahay. Computer pa din ang kaharap ko samantalang yung mga kaibigan ko, Andun sa Batangas, sa Bora. Ako dito, namamatay na sa inggit sa mga pictures na pinag-uupload nila at ang recent photos lang na mukang naenjoy ko yung summer ay yang mga yan - sa condo pa ng bestfriend namin yan. Huwow! Ang tagal na non.

April 6th
11:50 AM

Hello My NBSB Bestfriend! :) Claire, Happy Happy Birthday! We’ve been through a lot. I know you’re my best friend and thank you for making me feel that I’m one of your best friends too. Thanks for considering me as one!

Ikaw ang isa sa mga kaibigan ko na may liwanag ang pag-iisip. I know how smart you are not just academic but also in life, social life. I know you know what I am pertaining too. Thank you! Thank you so much kasi may kakampi ako sa mga bagay na alam kong tama. Thank you kasi may kasabay akong umuwi ng maaga sa mga gimik. Thank you kasi you know how to convince me to do the right things. Claire, I’m always here for you! I’ll support you and I’ll cheer for you! Thanks for accepting me and thank you for trusting me.

Srsly, Nalito ako kung kailan ang birthday mo. Pero naalala ko kasi yung time na pumunta tayo ng MOA and planned to go there to watch Titanic, right? :) Btw, I hate facebook for not reminding and I hate you for making it Private. FU! I love you so much, Claire! I wish you all the great things this another year of your life so you can share it to me. LOL. Sana kasama mo ang parents mo to celebrate your birthday. I wish you’ll have a blast day! I love you so much! I miss you! May God continue to bless you ‘cos I know you deserve to be blessed.

March 18th
5:12 AM

May dahilan na ako para magpuyat ngayon, pwede na akong matulog kahit ilang oras. Wala ng limitasyon ang pagkain ko, magpupuyat ako para sa Internet at hindi para sa mga homeworks, projects at reports. Hindi na ako gigising ng maaga. Ang pera ko, hindi na pangpamasahe mula Q.C hanggang Recto. Pwede ko na ulit mahalin ang Monday lalo na ang Friday. Tapos na ang pagiging Freshman ko. Wala na kaming pasok! Bakasyon na!

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang na ang Marso sa akin ay pagiging abala ko sa mga requirements para sa pag-e-enroll sa College, parang kailan lang no’ng first day ng pasukan at tatanga tanga pa ako sa swipe-an ng I.D sa gate ng FEU. Parang kailan lang no’ng takot na takot akong maglakad sa hallways ng mga buildings kasi hindi ko kilala ang mga tao don. Parang kailan lang nang i-welcome kami ng School, Welcome Freshmen! Parang kailan lang ang lahat. Pero heto na ako ngayon. Ako naman ang nakikipagkaibigan sa mga fan page ng mga freshman ngayong taon. Ako naman ngayon ang nagiging Ate nila. Sa’kin na sila nagtatanong kung ano ang meron sa course ko.

Ang saya ko lang. Pero mamimiss ko ang mga blockmates ko, Ang mga karamay ko kapag may quiz. Ang kakonchaba ko tuwing may recitation. “Uy, pag mali sagot ko wag niyo akong tatawanan ha!”. Ang mga kaibigan ko at minsan, katampuhan. Mamimiss ko maging dalagang bata. Mamimiss ko maging Freshman.

4:17 AM