the very ecstasy of love
Hi! I'm Z h i a K a t e (shi-yuh-keyt). Awesome since 1994. An AB International Studies student at Far Eastern University. In a four-year relationship. A self-proclaimed blogger. Extremely nice to everyone. Hi reader! ü Hihi.

twirr :
  • Twitter feed loading
C L I C K A B L E - T A G S
June 3rd
7:45 AM

BAKASYONBitin eh! )

  • Maraming binalak pinuntahan.
  • Maraming pinag-ipunan.
  • Maraming pinlano pero isa lang ang natuloy.
  • Marami kami pero tatlo lang ang tumuloy.

Ang Bakasyon na para sa akin nakakabitin sa kadahilanang ngayon ko lang talaga naramdaman. Ang gusto kong bakasyon na mga kaibigan ko lang ang nagparamdam. Hindi na ako umasa sa mga pinlanong pag-alis ng mga kapamilya ko sapagkat alam ko namang hindi lahat tuloy. Busy sila sa mga trabaho, busy sa mga anak. Madaming mga anak kaya nanghihinayang sa gastos. Madaming pinlano pero hanggang doon nalang. Hanggang plano ang lahat.

Naramdaman siguro ng mama ko na malungkot at boring ang bakasyon ko kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pang bigyan ako ng pera nang binalak naming pumunta sa Batangas kasama ang mga matatalik kong kaibigan. Matagal ko na kasing niyayaya ang mama ko na mag-out-of-town para naman marelax siya dahil sobrang work-a-holic niya pero mas pinili pa din talaga niyang magtrabaho at umattend ng kung anu-anong seminar kaysa ilibre naman ang sarili niya. Nakakalungkot dahil alam kong mas masaya kung sa mga ganung pagkakataon, kasama ko naman ang mama ko.

Mabuti na lang at nandiyan si Claire at Emz na palaging GO! sa mga adventures na tulad nito. Dapat talaga 7/8 kami na pupunta ng Batangas pero habang papalapit na ng papalapit ang araw na naitakda sa pag-alis namin ay kaming tatlo nalang talaga ang nanaig at determinadong pakitaan naman ang aming sarili ng magandang tanawin tulad nalang ng mga makikita sa Batangas.

Nakakatuwa, kasi naging masaya naman kami kahit kami lang. Nakakapagod ang biyahe at napakabigat din sa bulsa ng gastos. Hindi kami ganoon na natuwa sa nadatnan namin ngunit huli na ang lahat para hindi pa ito ituloy at panindigan. Totoo! Mejo naboring kami sa resort na pinuntahan namin. Pero sino pa ba ang aasahan namin para pasayahin ang aming sarili? Siyempre kami-kami nalang, hindi ba?

Hindi man talaga kami nag-enjoy sa paglangoy dahil sa sobrang init na tipong kahit sampung patong pa ang sunblock ay hindi tatalab. Napakahapdi sa balat ng sikat ng araw gano’n na din ang maalat na tubig ng dagat. Nanatili nalang kami sa pampang kung saan pinprotektahan namin ang aming mga balat sa sa anino ng isang bangka. Naghilod ng buhangin na para sa’kin ay nakakakinis ng balat.

Walang masaya sa paglangoy lalo’t ang pangit ng oras ng dating namin at ilang oras nalang din talaga and pananatili namin doon para sa daytime swimming kaya naman nagpasya kaming sa shower nalang namin sulitin ang binayad namin. Haha! At doon na nagsimula ang isang napakasayang araw ng araw na ‘yon na dala-dala na namin hanggang sa pag-uwi.

May 31st
4:41 AM

Hiatus yet Aware.

Not blogging for almost 2 weeks. Yes! because I got nothing to blog. Haha! Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na lahat dito ishe-share just to let you know that I exist, still exist. Hindi ko naman na kailangang i-habol pa ang kwento sa mga araw na hindi ko nagawang i-blog ang mga naging karanasan ko dahil ako ay isang tumblr user na may maliit lang na mundo at hindi katulad na iba na talagang pinagkakainteresan.

I still read. Sa dami ng mga taong finofollow ko dito (dahil hindi naman ako mapili sa mga i-fofollow ko) natatabunan na lahat ang mga post na talagang gusto ko at mga post na gawa ng mga taong hinahangaan ko dito kaya naman hindi ko sila nala-like dahil sa mismong blog na nila ako nagbabasa at scroll nalang ako ng scroll.

Nawalan ako ng mga followers. Feeling ko naman ang daming sumusunod sa akin. Haha. Masakit pero ayos lang dahil may mga pumalit naman sa kanila.

Sa totoo lang, nawawalan na ako ng gana ng tumblr, ilang beses na. ~ I take one step away but I found myself coming back to you my one and only you ~ haha! Oo. Hindi ko alam kung anong meron sa website na ito at parang boyfriend ko lang na hindi ko maiwan-iwan. Okay so Hello! I’m back. Mehehe.

May 14th
3:51 AM

‘Til we meet again, Tarlac.

Ang sarap sa pakiramdam na nakita kong muli ang mga kapamilya ko sa Father side. Sa loob ng halos limang taon na hindi kami nagkita-kita man lang, naramdaman ko pa din yung pagmamahal nila, pagmamahal nila na sumasalamin na lamang sa pagmamahal ng papa ko na wala na sa mundong ‘to.

Hindi sila makapaniwala na ako na ito ngayon, ang dating baby nila na binubuhat noon, mas malaki na sakanila ngayon, iba na ang itsura pero pinipilit pa ding kamukha ko sila. Nakakatuwa! Lalo na’t kapag kinkwento ng mama ko ang buhay namin ngayon dito sa Metro Manila. Maganda naman, masagana na din kahit wala na ang papa ko, hindi ako pinabayaan ng mama ko at kahit na mag-isa lang siya ibinibigay niya ang mga pangangailangan ko.

Ipagpatawad niyo ang pansamantala kong pagkawala dito sa tumblr, sa mga kaibigan ko dito na hindi ko pansamantalang nakausap at nareplyan ang mga messages. Namiss ko dito, Namiss ko ito. Wala man lang kasing malapit na Internet Shop o Wifi Spot sa probinsya sapagkat masasabi kong malayo pa sa kabihasnan doon kahit sabi nila parte na daw ‘yon ng Siyudad ng Tarlac. (parang hindi) oo! at mapapatunayan ko yan sa mga susunod pang litratong ibabahagi ko dito.

April 27th
6:22 AM
Ang paglilinis ko ng sarili kong kwarto ay minsan lang sa isang taon. Haha. At sa taong ‘to. Kahapon ang minsan na ‘yon. Haha. Hindi ko alam pero madalas talagang inaasa ko pa sa mama ko ang paglilinis. Hindi ko din madalas tiklupin ang sarili kong damit, kahapon lang talaga ako sinipag. Sa lahat ng gawaing bahay, mag-hugas lang ng pinggan ang pwedeng iasa sa akin, the rest wala na. Utusan man ako, at magsabi ng oo tiyak na drawing lang lahat ng ipapangako ko. Tamad ako for short. Pero mapagmahal akong anak at sa paglalambing nalang ako bumabawi kasi alam ko na nakakakunsumisyon talaga ang katamaran ko. Pero mula nang ayusin ko kahapon ang kwarto ko, parang sumipag ako ng konti, may matapakan lang akong konting alikabok, nagwawalis nanaman ako. Siguro, ganun talaga kapag sariling pinagpaguran, ayaw mong madumihan. 

April 25th
4:04 AM

Ang Mahal ko na Mama’s Boy ♥

Nacucute-an ako sa tuwing nakikita kong nag-uupload ang mama niya ng mga litrato na magkasama sila. Bukod sa alam ko ang istorya ng saya, lungkot bago sila ulit magkita sa kabila ng mahabang panahon, natutuwa ako dahil nakikita ko na kasama ng mahal ko ang dahilan kung bakit napakataas ng respeto niya hindi lang sa akin, kundi sa mga kababaihan.

Alam ko kung gaano niya kamahal ang mama niya pati na rin ang nakababata niyang kapatid na babae. Tulad ng ibang mga anak, hindi kailanman siya pumapayag na maapi ang kahit sino man sa pamilya nila. Pero sa kabila ng lahat ng tuwa ko para sa mga babaeng bumubuo sa pamilya nila, laking tuwa ng puso ko dahil isa ako ngayon sa mga nakakaramdam nito. Nirerespeto, Pinroprotektahan niya din ako tulad ng ginagawa niya sa kanila. At isa sa mga nakakapaniwala, nakakakumbinsing dahilan kung bakit ako nagtitiwala sakanya ay ang mga linyang “Hindi ako magtatangkang lokohin ka, may kapatid akong babae at natatakot ako na kapag nagloko ako, baka sa kanya mapupunta ang karma ko.” Talaga namang napakasarap pakinggan.

April 15th
8:01 AM
Via

Hi Dhie! Post ko photos mo dito ha? Wala lang. Gusto ko lang ilagay dito para naman may Idea sila kung sino ba yung sinasabi kong bf ko. Alam mo, ang swerte-swerte ko sa’yo. Pinatunayan mo sa’kin na di lahat ng lalaki, magkakapareho. Na pwede pala akong sumaya pagdating sa pag-ibig. Na hindi pala ako dapat binibitawan. Na dapat pala, ipinaglalaban ako at ipinagmamalaki. Na dapat inaalagaan ako at hindi sinasaktan. Na ang forever ay magiging totoo basta ikaw ang mamahalin ko. Thank you so much, hindi ako nagsisisi na ako ang nanligaw sayo, na tatlong araw lang tayong nagligawan dahil isang buwan na lang, Isang taon na tayo. Mahal na mahal kita. 

5:11 AM
A LATE CELEBRATION OF BEA’S BIRTHDAY - LAST PART. LOL.
Ang taray ni Bea. Ang daming Celebration na ginanap! Akala mo debutante e. Di nakuntento sa isa, gusto ata niya buong April nagcecelebrate kami.
Swimming - Eto lang naman talaga dapat ang gagawin namin, wala na yung nakaraang araw na pagkain namin sa labas at paghahanap namin ng pizza house. Kaso, sumpa na talaga sa amin na ang lahat nang pagplaplano, pagdating ng araw, udlot. Kaya ayun NGANGA talaga. Pero, hindi kami basta ganun nalang papayag! Kailangan na naming labanan ang sumpang ‘yon kaya naman itinuloy na talaga namin ang swimming hindi nga lang 11 kundi kahapon, April 14.
Kahapon, pumunta ako sa bahay nila Emz ng alas kwatro (hapon kasi night swimming). Doon naman talaga lagi ang meeting place naming magbabarkada. Pagdating ko doon, hindi pa pala ganun kahanda ang lahat, hindi pa yung tipong papara nalang kami ng sasakyan kasi nga naman pin-problema pa nila ang tubig na iinumin namin doon sa Resort. Ako naman parang walang pakialam at wala man lang maitulong kasi masama na talaga ang pakiramdam ko. Gabi pa bago ng araw na ‘yon, may lagnat na ako. Okay, Pagkatapos na maihanda ang lahat umalis na kami. At napagpasyahan na sa Commonwealth Market na kami magkikita kasi nandoon ang mga masasakyan papuntang Montalban, Rizal. Bente pesos nga pala ang pamasahe mula doon hanggang sa bababaan namin. At bente pesos din ang pamasahe sa tricycle mula sa binabaan namin hanggang sa Resort (Villa Virginia). Nakakatuwa lang yung tricycle driver na nasakyan namin, matanda na siya pero napakabibo at talaga namang damang-dama ko kung paano niya kami i-welcome sa lugar nila. Ako lang ang nakadama kasi ako lang naman ang nakakarinig ng mga sinasabi niya. Akalain mong pumayag pa siyang ihinto talaga kami sa mga tindahan para bumili ng ____ pero sa Mercury nalang kami bumili, actually si Bea at Briane pala ang bumili non kasi kami ni Ayra bumili lang ng chocolates at ng chuckie.
Grabe din! Napakalayo na pala sa kabihasnan ng Resort na ‘yon. Nasa paa na siya ng bundok at nasa tabi ng ilog. Biruin niyo, May araw pa nang umalis kami kanila Emz at pagdating doon, Dalawang oras nalang ang nakatakda sa amin ni Ayrah para mag-enjoy kasi usapan namin na uuwi kami ng 9pm. Di na kami sasama sakanila na magpapaumaga.
Pagdating sa Resort, mejo nagkakailangan pa. Hindi din naman kasi namin kilala yung mga kasama nila. Ako, si Ayerah, si Nhaida at si Ivan pa nga lang ang nagswimming kagabi kasi mukhang enjoy na enjoy sila sa mga kasama nila. Ni hindi na nga nila kami pinapansin at mukhang ayaw pa kaming sabayan sa pagswiswimming knowing na alas-9 nga kami uuwi. Kaya eto namang si Ayerah, mejo nagtatampo na. Ako, hindi naman, enjoy lang. Masaya na din ako para sa mga kaibigan ko. Kasi alam ko naman na kung kasama ko lang din yung boyfriend ko, malamang ni isa din sa kanila wala akong papansinin.
Malapit na kaming umuwi ni Ayrah at ni Ivan. Buti itong si Bea naisip na din magswimming at naisip na humiwalay muna sa mahal niya. Okay, si Emz nalang talaga ang di pa nakakaramdam ng ligamgam ng tubig sa pool. Talagang ayaw muna humiwalay sa “buhay daw niya”. Pero nung bandang 9:10 na, naisipan nadin niya magswimming. Kaya 20 mins. lang din namin nakasama si Emz sa pool kasi paahon-ahon naman siya. 9:30, umahon na din kami ni Ayrah at ni Ivan, sapat na yun! Na-enjoy naman na namin yung slide ng resort. At sa sobrang saya namin sa pag-slide may nagkainteres pa sa amin magpakilalang magkakaibigan.
Nagshoshower palang ako ramdam ko nanaman yung lagnat ko, yung init ng katawan ko at yung sakit ng ulo ko. Hanggang sa makauwi na kaming tatlo: Ayrah, Ivan at Ako. Para nga kaming magkakagalit sa jeep, wala kasing nag-uusap. Mas pinili ko nalang din na hindi kumibo kaysa naman magreklamo pero nang makababa na si Ivan at si Ayrah nalang ang kasama ko, paulit-ulit ko na talagang sinasabi sakanya yung sama ng pakiramdam ko. Di ko na talaga kasi kaya at parang konting pagod nalang talaga, babagsak na ako. Awa ng Diyos nakarating naman ako ng maayos sa bahay, nag-arkila nalang din ako ng tricycle para naman makahiga ako sa loob. Napakalayo talaga ng lugar na ‘yon.

Nag-enjoy talaga ako at nagpapasalamat din ako sa mga bago kong kakilala, mga bagong kaibigan. Sa uulitin. Maraming Salamat kay Bea at sa F.A.T.S kahit na yung iba sa inyo, dedma lang sa amin ni Ayrah. Hehe. Joke! Naiintindihan ko kayo. Pero sana pag kasama ko naman na din ang boyfriend ko, maintindihan niyo din ako.

April 13th
6:46 AM

A LATE CELEBRATION OF BEA’S BIRTHDAY - PART I

Ang sarap ng buhay ko kahapon, pascroll-scroll lang sa tumblr kasi sabaw ako. pascroll-scroll lang sa fb, kasi wala namang bago, patweet-tweet lang. Tapos bigla akong binulabog ng mga kaibigan ko sa telepono. “Hoy! Kato, baba ka dito kanila Emz!” Hindi ko naman na talaga sila dapat bababain kaso gusto ko lang marinig yung ikwe-kwento ni Emz tungkol sa malagong pag-ibig niya ngayong bakasyon. Nagdadalawang-isip pa nga ako. Kaso nung sinabi ng Mama ko na hindi na daw siya magluluto kasi madami siyang i-eencode, sinipag na akong pumunta sa bahay nila! Kasi expected na na pagpunta ko sa kanila may pagkain akong madadatnan! In short, patay-gutom ako kagabi kaya ako pumunta.

Ayan na! Nag-ayos na ako ng sarili ko, nagwisik-wisik ng tubig, nagpalit ng damit, nagpulbo ng konti, nagtali ng buhok kasi hindi pa ako nakakaligo. Haha! Odiba, partida! Ang lakas ng loob kong lumabas ng bahay na di pa nakaligo. Di bale, last ko na ‘yon. Di na mauulit.

Pagdating ko sa kanila, ay p*ta! Asan ang pagkain? Bat wala? Akala ko naman may madadatnan na talaga ako! Yun pala, bibili pa lang kami! Edi pagpasok ko ng bahay nila, palabas naman sila. Haha ang babastos talaga ng mga kaibigan ko! Okay so, Lakad na papunta sa Pizza house (taray! Pizza house talaga kala mo ang sossy ng kinainan namin) haha. Sa tagal naming di nakalabas ng mga tahanan namin, aba’y parang mga tanga lang yung mga taong ang lakas makatitig sa mga kasama ko. (kasama ko lang, siyempre, pahumble ako kaya di ako kasama). Eto na! Naglalakad kami, todo hampas naman ‘to sa aking si Emz sa sobrang kilig niya at nagmukang chicken skin yung braso niya sobrang kilabot sa mga biyayang natanggap niya! Sabi nga kasi ni Tony Gonzaga, French fries lang ang hiningi, may kasama pang burger! Ganun kabait si Lord kay Emz.

Patungko kami kanila Nhaida. (Shet! patungo, makata!) Haha. At nang andun na kami, abay tulog na pala ang bruha! Ang aga. Bago pa mag 10pm tulog na! At dahil makakapal ang mukha naming mga kaibigan niya. Siyempre! Ginising namin siya! Pinasok ang bahay. At nakipagtsismisan muna sa kanyang mama. Pa-good-shot siyempre para mukang anghel. Haha! Dejoke, Siyempre ayaw lang namin magsaya at magcelebrate ng birthday ni Bea na hindi siya kasama. Ayun na! Nagising na si Nhaida, nakapag-ayos na! kaya larga na talaga papuntang pizza house. totoo na ‘to! Unfortunately, Sarado na ang pizza house! Ang ganda pa ng timing, Limang hakbang nalang namin andun na, sabay patay ng ilaw! Kaya naman nagdesisyon kaming pumunta sa Veterans (lugar ni Keith) kasi 24 hours daw doon yung Marky’s (Pizza-han) ayun na! Go na kami! Tapos haha! Wala, Nganga pa din! Sa sobrang gutom namin, sa Karens nalang kami kumain! KARENDERYA. Haha!

Eto na nga, sa hindi inaasahang pagkakataon, Itong si Bea may nabunggong babae (Jejemon look) ayun! Putak ng putak si Ate. “Tang-ina niyo ha! Lakas mo makabunggo a! Wag mo akong subukan! Gago ka, putang-ina mo, Titingin-tingin ka pa diyan! Ano ha!Oh diba! Ang ganda ng tabas ng dali ni ate, Edukadong-Edukado ang dating! So deadma nalang kami, si Ate tuloy nagmukhang kawawa. Walang pumansin sa Drama niya! Matapos namin kumain sa Karenderya, Nagdesisyon kaming pumunta sa bahay nila Ayrah. Naglakad na kami. Ayun! Nakita namin yung dalawa naming kaklase noong 4th year sa magkaibang oras. Nauna muna si Gloan, pagkatapos si Bryan. Eksakto pagkakita namin kay Bryan, nanglibre na si Bea ng Ice Cream. Akala ko Magnum yun pala tig-ji-jis na selecta! Atleast, Selecta! 

Okay, kwentuhan dito, kwentuhan doon. At sa sobrang aliw, hinatid na namin si Bryan sa kanila. Ay di pala! Malapit lang sakanila. Pero di yun yung purpose nitong si Emz, siyempre secret na ‘yon! mamaya may nagbabasa pa diyan, aguy baka magselos. Diba Emz? Haha. Hanggang sa wala kaming napala, tumambay nalang kami sa street nila Ayra at doon nagkwentuhan hanggang Alas-dose na ata ng gabi. At ang palaging ending ng lahat ng kwento ko dito, Uwian na. Mehehe.

April 11th
8:31 AM

Hello Bea Macoto Capino! Happy Happy Birthday Kapatid! Hindi ko nalang kayo basta best friend ni Emz e. Kapatid ko na kayo! Halos sabay na tayo nagkamalay, sabay lumandi, sabay nasawi, sabay gumanda, sabay nagdalaga pero nauna lang ako na makatagpo ng soulmate. Alam ko na alam niyo ni Emz kung gaano kayo kahalaga sa’kin, kung gaano ko kayo kamahal. Biruin mo, mula highschool kayo na ang karamay ko sa lahat. Hanggang college, kayo parin! Parang di niyo na ako binigyan ng karapatang kilalanin ang sarili ko sa pakikisalamuha sa mga bagong tao. Paano, kahit sino pang maging kaibigan ko, angat pa din kayo! At kahit anong grupo pa ang mabuo, kasama ko pa din kayo. Nakamagnet ata tayong tatlo e? <3

Biyamey, Thank you sa lahat! Thank you sa lahat ng mga utang mo na di mo binabayaran. Thank you sa mga katangahan mo. Thank you sa pagiging late sa lahat ng mga lakad natin. Thank you sa pagiging eng-eng sa lahat ng bagay. Thank you sa mga kababuyan mo! Shet, dinaig mo talaga ako. Pero sa kabila ng lahat ng yan, narealize ko kung gaano kita kamahal! Biruin mo, mas madami pa ang pangit na katangian mo kaysa sa maganda, pero di ko kayang mawala ka, mawala kayo ni Emz. Alam mo ba yung feeling na napakawalang kwenta mo, pero di ko alam kung paano ako pag nawala ka, nawala kayo. Yung feeling na ang dami mong utang pero feeling ko mas madami pa din akong utang na loob sayo? Pero feeling ko lang ‘yon. Madami ka pa ding utang, walang limutan sa utang no! Haha.

Okay, so. Happy Birthday talaga! Ang tanda ko na pero ang bata mo padin. 17? Shet! Ano ba naman yan! 17 pero mas marami ka pang karanasan kaysa sa akin. Ingatan mo lagi ang sarili mo, magcondom ka! Haha. Joke! Seryoso, mag-iingat ka Tseb. Isipin mo yung mama mo, wala na si Tatay, nilisan na kayo. Mag-aral tayong mabuti. Kailangan this sem, Full-scholar na tayo! Huwag mo masyadong isipin yung lovelife kasi wala ka naman non kaya wag kang feeling, pwede? Tapos mag-ingat sa lahat ng bagay! Huwag masyadong padadala sa emosyon at bawas-bawasan ang pagkain ng Onion. Haha! Alam mo na yan! I love you so much, Tseb! Lagi akong nandito para sa’yo! Promise!

Ay btw, Bawas-bawasan mo naman yung pagpapaalam sa nanay mo na magkasama tayo o nasa bahay ka! kasi alam mo, sirang-sira na ang pangalan ko sa mama mo! haha! Ganon ba talaga ang tunay na magkaibigan huh? Okay, Hanggang dito nalang. See you on Saturday, Tseb! HAPPY 17th BIRTHDAY!

April 10th
8:38 AM

Ikaw kasi, wala kang ideya kung paano ako dito. Hindi mo kasi ako nakikita. Kaya ang tanging alam mo lang ay pagbawalan ako at pagdamutan.

Ayaw ko kapag nagseselos ang mga kaibigan ko sa Boyfriend ko. Ayaw ko din na nagseselos ang Boyfriend ko sa mga kaibigan ko.

May swimming kami bukas dahil birthday ng bestfriend ko. Hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay, tsaka lang naman ako lumalabas kapag may mga special occasions kaya naman may lakas ako ng loob na magsabi sa boyfriend ko, pero nakaka-disappoint kapag ayaw niya. Kapag hindi siya pumapayag. Actully, hindi pala ‘yon ang nakakadisappoint. Ang nakakainis, ay yung mga dahilan niya kung bakit ayaw niya akong payagan.

Malawak ang pang-unawa ko bilang gf, bilang kaibigan, bilang tao. Pero sana wag namang isasagad porket hindi ako umiimik. Madalas kasi akong sumunod sa bf ko. Para walang away. Kasi alam ko na sa mga bagay na ginagawa ko, sobra siyang nag-aalala at wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya kapag may masamang nangyari sa akin dahil wala siya sa tabi ko.

Noong isang gabi, Nag-away kami pero nagkaayos din naman kami kaagad.

  • Ako: Dhie, May Swimming pala kami nila Bea kasi diba Birthday niya sa 11?
  • Siya: Ay. :( Sinu-sino kayo?
  • Ako: F.A.T.S yung bf ni Bea, kaibigan ng bf ni Bea tapos si Aji.
  • Siya: Ayaw ko! May mga lalaki.
  • Ako: Ngee. Ayos lang yon dhie, barkada naman e.
  • Siya: Ano oras kayo magswi-swimming?
  • Ako: 4pm - 10pm Night swimming prefer nila e.
  • Siya: Bakit gabi pa? Ano ba yan! Ayaw ko!
  • Ako: Eh. Yun yung gusto nila dhie. Bday niya! Di ko naman birthday alangan magdemand ako.
  • Siya: Okay sige, pumunta ka. Basta payagan mo din ako pagumalis ako.
  • Ako: Okay sige! Ngayon na ba? Alis ka na! Go!

Inis na inis ako sa sagot niya. Ang dami pa niyang nabitawang salita na hindi maganda sa tenga ko. Biruin mo, payagan ko daw siya pag-umalis siya. Kahit na hindi niya totohanin, masakit na isumbat niya ‘yon. Gaganti? Bakit? Para saan? Okay di bale na. Ako nagkwento lang naman. Hindi ako nagpaalam, Payagan mo man ako o hindi. Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo. Haynako. Naiinis talaga ako pag naaalala ko. Pero buti nalang, Maayos na ulit kami.

Dear Dhie, Sana isipin mo muna yung mga salitang sasabihin mo bago mo tuluyang bitiwan. Oo, aminado ako, minsan ganun ako. Pero yung damdamin ko, hindi kasing tibay ng damdamin mo para daanin nalang sa biro ang lahat. Huwag mo namang gawing hobby ang pagsasabi ng sorry, Pwede naman nating iwasan diba? Di bale, iintindihin kita. At sana ako din intindihin mo. Isipin mo nalang din ang kalagayan ko dito sa bahay. Mag-isa lang ako. Kailangan ko naman maaliw minsan. Wag ka pong mag-alala, lahat ng bilin mo, kabisado ko at ginagawa ko. Mahal na mahal kita.

6:54 AM

EVERYONE NEEDS FRIENDS LIKE THEM.

Sa panahon ngayon, madali maghanap ng kaibigan pero mahirap makatagpo ng totoo. Kaya naman itinuturing ko ang sarili ko na napakaswerte dahil meron akong katulad nila sa buhay ko.

Kahapon, biglang nagyaya si Claire na lumabas. At siyempre, kung sino ang nagyaya dapat sagot niya ang lahat. Haha. Joke. Late Celebration kasi ng Birthday niya ‘yon (Happy 18th Birthday, Clara) Seryoso na. Okay, napag-usapan na 2pm kami magkikita-kita. Oras lang ang sinabi nila wala pang lugar. Alanganin na ako sa Alas dos dahil 11 na ako nagising at nagkataon pang sinipag ako kaya naman naglilinis ako ng aking kwarto no’ng mga oras na nagtext sila na may pupuntahan pala kami.

Naisip ko na agad na hindi naman sila dadating sa tamang oras. Kaya naman nagpalate ako ng 30 minutes. So, mga 3:00 nasa Trinoma ako. Naisip ko na doon dumiretso dahil doon naman kami madalas magkita-kita. Doon sa MCDO. Pero nagtataka ako dahil wala ni isa akong nadatnan doon. Siyempre, ako relax lang para ko na kasing bahay yung Trinoma. Parelax-relax talaga pero pagtingin ko bigla sa Orasan ko 4pm na. At naiinis na talaga ako kasi Alas Dos naging Alas Kwatro! Lagi nalang ganun. Wala ding nagtetext sa akin kaya naman napilitan akong magpaload doon. Dumiretso ako sa Concierge, napakamalas kasi wala na silang Autoload. Globe Prepaid Card nalang kaya naman napilitan na talaga ako bilhin ‘yon para macontact sila. Ayaw ko pa nga siyempre, hindi naman ako mahilig magtext. Aanhin ko ang 100? At Nakakainis pa, kasi walang nagrereply. Cannot be reach din silang lahat. So No Choice ako, maghihintay pa ako ng konti. Ayaw ko naman makipagsapalarang pumunta sa Sm North tapos ‘yun pala nasa Trinoma lang din sila. At Eto na nga! Nagreply na si Bea (Naka-maong top sa picture)

  • Bea: Be, dito kami sm.
  • Ako: Sm? Tang-ina. Inugat ako sa Trinoma. Saan naman sa Sm? Ang lawak niyan!
  • Bea: Daliaan niyo be, mamatay na kami.
  • Ako: Wow ha. Ang daming arte, di pa sabihin kung saan.
  • Bea: Be, Sm foodcourt. Sa may quail egg.

Pagpasensyahan niyo sa Bea, may pagkatanga talaga siya sumagot. So, pumunta na agad ako sa Sm. At Yung mga mukha nilang Tatlo (Emz, Trina at Bea) Hindi na maipinta. Pare-pareho din kasi kaming gutom, walang almusalan e! Akala ko kumpleto na at ako nalang ang hinihintay pero hindi pala. May dalawa pang kulang.

Habang naghihintay kami, may isang mapangahas na humingi ng number ni Emz (Yung nakastripe red&white) - Okay, Ipinagpatawad namin ang kakapalan ng mukha ni kuya na manghingi ng number at isusulat pa talaga sa braso niya. Pero maya-maya meron nanaman! Kinuha naman yung number ni Trina (Naka-floral dress, curly hair) okay, sige! ang daming epal! at mamaya, Number na naming lahat! Ang kapal talaga! Pero siyempre ang binigay namin, wrong number. Tandaan: Ang tunay na gwapo, hindi nanghihingi ng number sa ganong paraan.

After 15 minutes, andiyan na din sila Audrey (Polka-dots top) at Claire (Floral dress) kaya pala sila natagalan dahil nasira ang slippers ni Claire kaya bumili sila ng bago at pagkabili niya, yung bago nasira din agad kaya bumili ulit siya! Nang maging okay na lahat at maikwento ang dahilan kung bakit late. Eto na ang mga ginawa namin:

Bumalik ulit ng Trinoma - Kumain sa Lamesa Grill. - Nagpicture-an saglit, mga limang shots. - Naghihimutok si Bea sa sakit ng paa. - Gusto na bumili ni Bea ng slippers sa halagang 60 pesos. Hello! Trinoma ‘to te! - Nagbakasakali sa Banana Peel (walang 60php) - Pumunta ng Landmark, walang 60. 80php lang meron. - Nakabili na ng tsinelas. - Nag-CR. Sabi ko papicture kami. - Nagpapicture kami. - Nagpaalam na si Bea. R.I.P BEA. -  Pumunta sa 3rd floor ng Trinoma, naghahanap ng maiinuman. Chill lang! - Ayaw nila sa Trinoma gusto nila sa Sm. - Nagmaibataya kami - SM BA o TRINOMA? - Di pa nakuntento, nagbato-batopiks pa. - Natalo kami kaya sa SM. - May tama na si Audrey. - Lasing na pala si Audrey. - Bumalik ng Trinoma, bumili ng krispy kreme. - Tumambay sa Stabucks, naghot choco. - Kwentuhan. - Uwian na! - Nagtaxi hanggang Cityhall, Si Audrey mungtanga sa taxi.

Odiba? Lahat ng klase ng saya, ng hirap, ng inis, ng lungkot sa isang araw, sa kanila ko nararanasan. Sila yung pwede sa Seyosohang usapan, pwede din sa gaguhan. Sila yung mga taong kahit ano pa i-confess mo maiintindihan ka nila. At sa tuwing matatapos yung araw ng pagsasama-sama namin lagi kong hinihiling na sana magkakapitbahay nalang kami para lagi kaming magkakasama. Mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to.

April 7th
8:11 AM

Hi Dhie! Post ko photos mo dito ha? Wala lang. Gusto ko lang ilagay dito para naman may Idea sila kung sino ba yung sinasabi kong bf ko. Alam mo, ang swerte-swerte ko sa’yo. Pinatunayan mo sa’kin na di lahat ng lalaki, magkakapareho. Na pwede pala akong sumaya pagdating sa pag-ibig. Na hindi pala ako dapat binibitawan. Na dapat pala, ipinaglalaban ako at ipinagmamalaki. Na dapat inaalagaan ako at hindi sinasaktan. Na ang forever ay magiging totoo basta ikaw ang mamahalin ko. Thank you so much, hindi ako nagsisisi na ako ang nanligaw sayo, na tatlong araw lang tayong nagligawan dahil isang buwan na lang, Isang taon na tayo. Mahal na mahal kita. 

7:31 AM

Gustung-gusto ko na talaga magswimming ngayong summer, gusto ko din sa beach. Ayaw ko na sa pool. Nakakainis. Bakasyon na pero tengga pa din ako dito sa bahay. Computer pa din ang kaharap ko samantalang yung mga kaibigan ko, Andun sa Batangas, sa Bora. Ako dito, namamatay na sa inggit sa mga pictures na pinag-uupload nila at ang recent photos lang na mukang naenjoy ko yung summer ay yang mga yan - sa condo pa ng bestfriend namin yan. Huwow! Ang tagal na non.

7:11 AM

I like the caption, not the picture.

  • Me: The caption. :"> I like the caption, not the picture. Haha. Joke.
  • Bff: You're so villain ever. :)
  • Me: Yuh, so proud to be your Antagonist. ;)
  • Bff: And i'll be the protagonist that always wins in the end.
  • Me: I'm going to spoil the story. You'll never win. Keep that on your mind.
  • Bff: You! You're spoiler ever.
  • Me: You! Spoiled, forever! HAHAHA!
  • Bff: Haha. hands up! No more to say.
  • Me: End of my thinking capacity, also. -__- kbye.