Happy 3 years & 7 months, Loves ko. ♡
Alam ko napakaraming hindi magagandang pangyayari sa relasyon natin, hindi lang nitong nakaraang buwan. Napakabigat, yung tipong kung hindi lang ako ito at kung hindi lang ikaw yan, wala nang tayo. Wala na akong babatiin pa sa tuwing darating ang araw na ‘to. Masakit yung wala man lang tayong mapagsabihan, wala kasing gustong maniwala na hindi tayo okay. Dahil ang nakikita nila, yung masayang tayo, yung perpektong relasyon na para bang hindi nag-aaway o kung mag-away man, agad-agad ding nagkakabati. Yung tipong kahit malayo tayo hindi natin maramdaman na malayo tayo sa isa’t isa. Pero hindi talaga yun yon dahil ang totoo, ang daming pagkakamali nitong nakaraan, ang daming pangyayari na hindi na maitama pero kailangan kong ibaon sa limot para maayos tayo. Ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong chances na ibinigay dahil ayaw ko maging unfair sa’yo. Ang dami kong binigay na pagkakataon para patunayan ang sarili mo sa akin. Ang dami dami. At salamat dahil hanggang huli pinatunayan mong AKO pa rin ang mahal mo, na AKO lang ang mahal mo.
Salamat dahil hindi mo sinayang yung mga pagkakataong yun. Mahal na mahal kita at tulad nga nang sinabi mo, ako lang ang may alam ng totoong ikaw. At ang IKAW na alam ko ay yung lalaking hindi kayang manloko ng babae dahil may kapatid ka din na babae. Yung hindi kayang magloko sa ganitong uri ng relasyon dahil papa mo ang idolo mo.
Naniniwala akong SPECIAL tayo daddy dahil mga special na tao lang ang may kaya ng ganitong uri ng relasyon. Hindi tayo nakakapagdate agad-agad, hindi nakakakain sa labas na magkasama kung kailan gusto, hindi nakakapanood ng sine, walang exchange gifts, hanggang text lang yung kiss, hanggang chat lang yung hug. Pero ni minsan, hindi ako naghanap ng ibang taong pupuno ng mga bagay na yon, dahil para sa akin, hindi mo yun pagkukulang kundi isang opportunity para sa araw ng pagkikita natin ulit - Ang date natin, out of town. Ang gifts mo, bongga. Ang kiss and hug mala pbb teens. Ang sine, movie marathon dahil magkatabi naman tayong matutulog. Kuntento ako sayo. Hihintayin kita at kapag magkasama na ulit tayo, iinggitin ulit natin ang buong mundo.
Mahal na mahal kita. Kapit lang daddy, dahil habang tumatagal, mas bumibigat ang pagsubok. At habang tumatagal papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal at kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan. Magsisimula ulit tayo. Kakalimutan ko ang dapat kalimutan. Na sa’yo ang tiwala ko, hindi kailanman yan nawala sayo. Ikaw lang ang gusto ko, ang mahal ko. Sabi ko nga, ako na ang makakasama mo sa pagtanda mo, iingatan kita, aalagaan kita habang-buhay. Happy 43 Months My One and Only. xoxo. MAHAL NA MAHAL KITA.



