RF: Gusto ko ng aso pero ayaw ko mag-alaga.
Noong bata ako, yung sisiw na may kulay ang gustung-gusto kong alagaan. Tinatapik tapik ko pa noon para makatulog. Tapos may alaga din akong itik noon na dinadala ko pa sa school ng mama ko tapos sabay sabing “dito kita pag-aaralin”. Tandang-tanda ko pa talaga no? Kaso, namatay din yung itik ko, natulad sa mga sisiw na naalagaan ko. Wala pa akong Interes sa aso non hanggang sa manligaw yung stepfather ko ngayon sa mama ko. (Patay na po kasi totoo kong tatay) mga 6 years old ata ako non. Ayun, aso ang iniregalo niya at pinangalan ni mama yun na MJ. Hindi ko alam kung bakit MJ. Ang cute cute niya, kulay puti. Todo bantay ako noon, todo padede, painom ng gatas. Kaso namatay ulit. Kaya mula noon, nawalan na ako ng gana mag-alaga ng hayop.
Ngayon, Gustung-gusto ko ng aso pero gusto ko pomeranian at shih tzu lang. Nasasabi ko yun sa mama ko, ginusto ko nga noon bumili at bibigyan naman niya ako ng pambili, may mura kasing bilihan ng aso malapit sa FEU. Kaso ako na din mismo agad yung tumatanggi. Nagdadalawang isip kasi ako. Alam ko na di ako marunong mag-alaga ng aso. Baka mamatay lang nanaman agad at baka masayang lang din ang pera ng mama ko. Hindi lang naman kasi doon matatapos ang paggastos, papakainin pa tapos kung bata pa kailanga ipapaligo mo sa marunong magpaligo. Chusi kasi yung mga asong natitipuhan ko. Kaya ako, nganga nalang sa mga aso ng mga kaibigan ko.