EVERYONE NEEDS FRIENDS LIKE THEM.
Sa panahon ngayon, madali maghanap ng kaibigan pero mahirap makatagpo ng totoo. Kaya naman itinuturing ko ang sarili ko na napakaswerte dahil meron akong katulad nila sa buhay ko.
Kahapon, biglang nagyaya si Claire na lumabas. At siyempre, kung sino ang nagyaya dapat sagot niya ang lahat. Haha. Joke. Late Celebration kasi ng Birthday niya ‘yon (Happy 18th Birthday, Clara) Seryoso na. Okay, napag-usapan na 2pm kami magkikita-kita. Oras lang ang sinabi nila wala pang lugar. Alanganin na ako sa Alas dos dahil 11 na ako nagising at nagkataon pang sinipag ako kaya naman naglilinis ako ng aking kwarto no’ng mga oras na nagtext sila na may pupuntahan pala kami.
Naisip ko na agad na hindi naman sila dadating sa tamang oras. Kaya naman nagpalate ako ng 30 minutes. So, mga 3:00 nasa Trinoma ako. Naisip ko na doon dumiretso dahil doon naman kami madalas magkita-kita. Doon sa MCDO. Pero nagtataka ako dahil wala ni isa akong nadatnan doon. Siyempre, ako relax lang para ko na kasing bahay yung Trinoma. Parelax-relax talaga pero pagtingin ko bigla sa Orasan ko 4pm na. At naiinis na talaga ako kasi Alas Dos naging Alas Kwatro! Lagi nalang ganun. Wala ding nagtetext sa akin kaya naman napilitan akong magpaload doon. Dumiretso ako sa Concierge, napakamalas kasi wala na silang Autoload. Globe Prepaid Card nalang kaya naman napilitan na talaga ako bilhin ‘yon para macontact sila. Ayaw ko pa nga siyempre, hindi naman ako mahilig magtext. Aanhin ko ang 100? At Nakakainis pa, kasi walang nagrereply. Cannot be reach din silang lahat. So No Choice ako, maghihintay pa ako ng konti. Ayaw ko naman makipagsapalarang pumunta sa Sm North tapos ‘yun pala nasa Trinoma lang din sila. At Eto na nga! Nagreply na si Bea (Naka-maong top sa picture)
- Bea: Be, dito kami sm.
- Ako: Sm? Tang-ina. Inugat ako sa Trinoma. Saan naman sa Sm? Ang lawak niyan!
- Bea: Daliaan niyo be, mamatay na kami.
- Ako: Wow ha. Ang daming arte, di pa sabihin kung saan.
- Bea: Be, Sm foodcourt. Sa may quail egg.
Pagpasensyahan niyo sa Bea, may pagkatanga talaga siya sumagot. So, pumunta na agad ako sa Sm. At Yung mga mukha nilang Tatlo (Emz, Trina at Bea) Hindi na maipinta. Pare-pareho din kasi kaming gutom, walang almusalan e! Akala ko kumpleto na at ako nalang ang hinihintay pero hindi pala. May dalawa pang kulang.
Habang naghihintay kami, may isang mapangahas na humingi ng number ni Emz (Yung nakastripe red&white) - Okay, Ipinagpatawad namin ang kakapalan ng mukha ni kuya na manghingi ng number at isusulat pa talaga sa braso niya. Pero maya-maya meron nanaman! Kinuha naman yung number ni Trina (Naka-floral dress, curly hair) okay, sige! ang daming epal! at mamaya, Number na naming lahat! Ang kapal talaga! Pero siyempre ang binigay namin, wrong number. Tandaan: Ang tunay na gwapo, hindi nanghihingi ng number sa ganong paraan.
After 15 minutes, andiyan na din sila Audrey (Polka-dots top) at Claire (Floral dress) kaya pala sila natagalan dahil nasira ang slippers ni Claire kaya bumili sila ng bago at pagkabili niya, yung bago nasira din agad kaya bumili ulit siya! Nang maging okay na lahat at maikwento ang dahilan kung bakit late. Eto na ang mga ginawa namin:
Bumalik ulit ng Trinoma - Kumain sa Lamesa Grill. - Nagpicture-an saglit, mga limang shots. - Naghihimutok si Bea sa sakit ng paa. - Gusto na bumili ni Bea ng slippers sa halagang 60 pesos. Hello! Trinoma ‘to te! - Nagbakasakali sa Banana Peel (walang 60php) - Pumunta ng Landmark, walang 60. 80php lang meron. - Nakabili na ng tsinelas. - Nag-CR. Sabi ko papicture kami. - Nagpapicture kami. - Nagpaalam na si Bea. R.I.P BEA. - Pumunta sa 3rd floor ng Trinoma, naghahanap ng maiinuman. Chill lang! - Ayaw nila sa Trinoma gusto nila sa Sm. - Nagmaibataya kami - SM BA o TRINOMA? - Di pa nakuntento, nagbato-batopiks pa. - Natalo kami kaya sa SM. - May tama na si Audrey. - Lasing na pala si Audrey. - Bumalik ng Trinoma, bumili ng krispy kreme. - Tumambay sa Stabucks, naghot choco. - Kwentuhan. - Uwian na! - Nagtaxi hanggang Cityhall, Si Audrey mungtanga sa taxi.
Odiba? Lahat ng klase ng saya, ng hirap, ng inis, ng lungkot sa isang araw, sa kanila ko nararanasan. Sila yung pwede sa Seyosohang usapan, pwede din sa gaguhan. Sila yung mga taong kahit ano pa i-confess mo maiintindihan ka nila. At sa tuwing matatapos yung araw ng pagsasama-sama namin lagi kong hinihiling na sana magkakapitbahay nalang kami para lagi kaming magkakasama. Mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to.
-
biyamey likes this
-
emzasuncion reblogged this from zhiyuhkate and added:
EVERYONE NEEDS FRIENDS LIKE THEM. Sa panahon ngayon, madali maghanap ng kaibigan pero mahirap makatagpo ng totoo. Kaya...
-
meutir likes this
-
ayysskrim likes this
-
iamanshe likes this
-
shayneehenley said:
Pretty girls:)
-
shayneehenley likes this
-
batopiks likes this
-
zhiyuhkate posted this